Courage is an apostolate of the Roman Catholic Church that provides spiritual support for men and women with same-sex attractions who desire to develop lives of interior chastity in union with Christ.
Thursday, December 10, 2009
Wandering Soul's Journey with Courage
This is Wandering Soul's journey with us. He works in the city far away from home and family. All this time he feels alone and lonely in his SSA struggle until he found us through this blog. You need not to wander anymore. You're home.
Ang testimonyang ito ay testimonya ng isang bagong pagsisimula sa aking paglalakbay; paglalakbay na hindi na nag-iisa, paglalakbay na may mga kasama sa landas ng Panginoon. Nakilala ko ang Courage sa mga oras na nahuhulog na ako sa mundong hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Nag-iisa ako, natatakot, walang kasama, nahihirapang magtiwala, nagkukulong sa sariling mundo, naghahanap ng mga taong makakaunawa sa struggle na pinagdadaanan ko.
Gusto kong labanan ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano. Nahihirapan akong aminin sa sarili ko na may SSA ako pero alam kong nahuhulog na ako. Nagdadasal ako kung paano pero hindi alam kung anong sagot ang maririnig. Naging addicted ako sa pornography sa internet dahil ito lang ang naging libangan ko sa pag-iisa ko. Alam kong kahit saan ay naroon ang tukso pero kahit saan pala ay naroon din ang Panginoon. Ginamit niya ang internet para makilala ko ang Courage. Alam kong sagot ito ng Diyos sa mga dasal ko.
Sa Courage ko naramdaman ang pagtanggap na hinahanap ko. Una, ang pagtanggap ulit sa akin ng Diyos bilang kanyang anak. Naramdaman ko ulit ang pagpapatawad ng Diyos pagkatapos ng mahabang panahon na nalalayo ako sa kanya. Pangalawa, naramdaman ko ang pagtanggap ng mga kapatid ko sa Courage. Ang sarap ng pakiramdam na hindi pala ako nag-iisa at nakakilala ako ng mga taong hindi huhusga sa akin. Wala pa akong dalawang buwan sa Courage sa mga oras na ito at hindi alam kung ano pang mga pagsubok ang haharapin ko pero masaya ako na may mga kasama ako sa laban ng buhay. Hindi ko alam kung kelan ko mararamdaman ang healing from SSA. Mukhang mahirap pero kakayanin naman. Naniniwala pa rin ako na kung imposible sa tao eh posible naman sa Diyos. Tuloy pa rin ang buhay at nandiyan parati ang Diyos. I am the wandering soul and I found refuge in Courage.
“O Diyos, ako’s siyasatin, alamin ang aking isip. Subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; Kung ako’y hindi dapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.” – Salmo 139:23-24
No comments:
Post a Comment